SANGGUNIAN—IPINAUBAYA NA NG DIYOS SA PAGKAKAMALI

Pilit na pinatutunayan ng mga miyembro ng Sanggunian na sila ay may “banal” na karapatan, kapangyarihan, at patnubay na mula sa Diyos. Pilit nilang iniuugnay ang kanilang sarili at ang kanilang mga ginagawa sa Pamamahala ng Iglesia na kapag kinukwestiyon ng sinuman ang anuman nilang ginagawa, ito raw ay nangangahulugang lumalaban ka na sa Pamamahala kaya lumalaban ka na rin sa Diyos. Ito ang dahilan kaya sa tuwing magsasalita si kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. upang “sagutin” ang mga ibinabato sa kaniya at sa iba pang miyembro ng Sanggunian na korupsiyon at katiwalaan ay dalawa lang ang lagi niyang sinasabi: Na ang mga tumutuligsa ay lumalaban sa Pamamahala ng Iglesia at wala raw silang ebidensya. Sa totoo lang, sila na mismo ang gumagawa at nagbibigay ng ebidensya sa pamamagitan ng kanilang mga kapalpakan. Narito ang ilan sa mga recent nilang kapalpakan: MGA KAPALPAKANG NAGAWA NG “MATATALINONG MIYEMBRO NG SANGGUNIAN”:
  1. Pagkuha muna nila ng mga passports ng mga ministro na ito ay maliwanag na paglabag sa batas. Bagama’t alam ito ng buong Iglesia ay kumuha na rin kami ng mga patotoo.
  2. Sapilitang pagkuha sa ilang mga ministro sa harap ng maraming saksi na ang iba ayon sa balita ay nakunan na ng affidavit ng media.
  3. Pag-house arrest (illegal detention at iba pa na napakabibigat na krimen) kay kapatid na Isaias T. Samson, Jr., at pamilya. Bukod sa may mga saksi na ay nakatakas pa sila.
  4. Ang pagkuha kay kapatid na Lowell Menorca, Jr. mula sa Sorsogon upang kasuhan sa “KATABING” bayan ng Dasmariñas, Cavite at doon ikulong.
MGA DAMAGE CONTROL NILA NA LALONG NAGDULOT SA KANILA NG DAMAGE:
  1. Nagpakawala sila ng (Loro-inuulit lang ang naririnig sa mga amo) spokesman sa katauhan ni Edwil Zabala upang magsalita at magpa-interview subalit wala namang naisagot na tama sa mga tanong sa kaniya at nagka-kontra-kontra pa ang kaniyang mga pahayag. Halimbawa: sa isang interview ay sinasabi niyang hindi raw totoo na may 10 ministrong in-abduct pero nang tanungin naman siya ni Karen Davila ay first time niyang narinig kay Karen na may mga dinukot na mga ministro. Halatang-halata na puros paiwas ang sagot sa mga tanong at nininerbiyos pa kaya idinaan na lang sa English ang pagsasalita. Sabi nga ng isang kasamahan niya ay nasanay daw kasi sa teleprompter o sa idiot board. Ang totoo, mahirap talagang magsinungaling kahit pa ang kasinungalingan ay galing sa “ama ng mga sinungaling”. Resulta: lalo silang na-.damaged sa publiko.
  2. Ang patuloy nilang pahayag na wala raw kurapsiyon at katiwaliang nangyayari. Sabi nga “Tell it to the marines.” Resulta: lalo lang nilang inihahayag ang kanilang kasinungalingan sapagkat ang buong Iglesia ay saksi at hirap na hirap dahil sa mga maling pinaggagagawa at ipinatutupad nila.
  3. Sa layunin nilang mapatahimik si kapatid na Isaias Samson, Jr. ay inutusan nila ang isang Col. Pedroso kasama ang ilang mga police na nagpakilala pang mga INC, upang protektahan daw si kapatid na Isaias T. Samson, Jr., sa kaniyang pinagtataguan subalit ang tunay na layunin ay kunin si kapatid na Jun Samson. Resulta: Nalaman ng media na totoong hinahunting nila sina kapatid na Jun Samson at may mga TV footages at ilang larawan pa na kuha ng media.
  4. Pagpa-publish nila ng mukha ni kapatid na Jun Samson sa mga pahayagan (full pages) para ipagbigay-alam daw sa publiko na wala nang kinalaman si kapatid na Jun Samson sa Iglesia. HELLO (WW)! Hindi ba kayo (Sanggunian members) nakikinig sa inyong mga ipinahayag na sa lahat ng mga pagsamba at maging sa Media na tiwalag na si kapatid na Jun Samson at kinasuhan na ninyo siya? Hindi ba’t ang kahulugan nito ay wala na siyang kinalaman sa Iglesia? Mabuti pa ang mga taga-sanlibutan dahil alam nila na kapag itiniwalag ang isang kapatid ay wala na siyang kinalaman sa Iglesia. HELLO (WW) uli no! Mukhang kayo na lang ang hindi nakaaalam at nakauunawa ng inyo mismong pinaggagagawa. Kaya hindi kataka-taka na hindi ninyo nakikita ang inyong sariling mga katiwalian.
  5. Pag-a-announce na ang ilan daw sa mga dinukot na ministro ay gumawa na ng mga salaysay na hindi raw sila dinukot. Kung ito man ay totoo, hindi ba ninyo naisip na itatanong ng tao kung bakit ngayon lang? Nahirapan ba kayo at kinailangan pang pilitin sila para pumirma sa salaysay na inyong ginawa? Bakit hindi ninyo sila maiharap sa Media kasama ang kanilang mga pamilya at pagsalitain upang makita na walang pamimilit at pananakot na ginawa sa kanila?
  6. Dahil sa marami nang nakatitiyak at sinusubaybayan na ng Media ang kaso ni kapatid na Lowell ay bigla na lang iniurong ang kaso laban sa kaniya na kung totoo ay napakabigat sana sapagkat illegal possession of explosive device. Inilabas ni Atty. Allen Blair Boy (abogado ng Central) si kapatid na Lowell pero pinalipas muna nila ang ilang araw bago nila ngayon ini-announced sa NET 25 na siya ay hindi raw dinukot. Muli, Bakit ngayon lang? Bakit hindi nila pahintulutan na mai-live interview ng ibang mga taga-Media si kapatid na Lowell na kasama ang kaniyang mag-ina na kinuha rin nila sa Sorsogon at ang kaniyang ina at kapatid dito sa Central? Resulta: Hangga’t hindi nila ito nagagawa ay lalong magdududa ang tao na may masamang nangyari sa pamilya o itinatago sila at maaaring ang interview kay ka Lowell ay under duress.
Ano masasabi ko sa mga kapalpakan ng Sanggunian? E DI WOW! Ang tunay na mga ministro ng Diyos ay may patnubay ng Espiritu Santo. Kung sila ay tunay na bahagi ng Pamamahala ay hindi sila ipahihintulot ng Diyos sa mga pagkakamali o patong-patong na kapalpakan. Subalit ang mga gumagawa ng masama ay ipinauubaya na ng Diyos sa madilim napag-iisip upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat upang pagdating ng takdang panahon ay tanggapin nila ang parusa ng Diyos. -Antonio Ebangelista “They tried to bury us…they didn’t know we were seeds” Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org Instagram: @antonioebangelista Twitter: @AEbangelista1 #iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore “Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career.  Skills that make me a nightmare for people like you.  If you tell the truth now, that’ll be the end of it.  I will not look for you, I will not pursue you.  But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE Originally published at: https://incsilentnomore.wordpress.com/2015/08/01/sanggunian-ipinaubaya-na-ng-diyos-sa-pagkakamali/