PAGHINA NG MGA HANDOG—ANINO NG PAGHINA NG SANGGUNIAN

Maraming mga ministro at mga may tungkulin sa Pananalapi ang nag-ulat ng resulta ng nakaraang Pasasalamat para sa ika-101 anibersaryo ng Iglesia. Maraming kapatid ang naghulog ng sobreng walang laman, o kaya ay piso ang laman at may nakasulat pang “piso para kay JS” (Jun Santos). Ang iba naman ay may lamang mga sulat na kinukuwestiyon ang mga korupsiyon at katiwaliang ginagawa ng Sanggunian. Subalit ang nakararami ay ang biglang pagbagsak ng halaga ng kanilang mga handog. Sabi ng isang taga Midwest, “Ang ihahandog ko po sana ay $1,000.00 pero ginawa kong $10.00 na lang. Inihulog ko na lang sa Tanging handugan para sa lokal ang iba. Matitiyak ko pa na kunin man nila ay may halagang matitira at magagamit pa rin ang aming lokal.” Ganito ang sentimiyento ng mga kapatid sa buong mundo. Maging ang mga abuloy sa karaniwang pagsamba ay labis nang humina. Iniisip ng Sanggunian na hindi naniniwala ang mga kapatid sa mga katiwalian at korupsiyon na kanilang ginagawa. Gayunpaman, ito ay pinabubulaanan ng kasalukuyang kalagayan ng abuloy ng mga kapatid. Kahit ang mga naghandog ng malaki ay nagsasabing ginawa nila iyon dahil sa doktrina at dahil sa sa Diyos sila naghahandog. Na kung ito man ay gagamitin ng Sanggunian lalo na ni ka Jun Santos sa katiwalian ay lalo lang nilang pinabibigat ang kanilang kasalanan at ang katapat nito ay ang lalo ring mabigat na kaparusahan. Ang mga pangyayaring ito ay naghahayag hindi lamang ng pagdududa kundi ng matibay na katunayan na hayag na sa mga kapatid ang ginagawa ng Sanggunian. Kung natatakot man sila sa mga pagbabanta at maaaring gawin sa kanila ng Sanggunian ay pilit pa rin silang gumagawa ng kaparaanan (sa pamamagitan ng abuloy) upang maihayag ang kanilang pagtutol sa korupsiyon ng Sanggunian. Maisip sana ng Sanggunian na ang abuloy sa Iglesia ay namalaging pinagtatalagahan ng mga kapatid sa kabila ng katotohanan na inatangan nila sila ng “lalong mabigat na pasanin” at pinapasok sa Iglesia ang malaking bilang ng taong hindi naman sumasampalataya kundi sumasampa-sa-lata ng mga sardinas. Hindi upang maging kaanib ng tunay na Church of Christ kundi ng Church of Rice, hindi upang maging Iglesia kundi upang maging Iglecerio. Kaya kung bumulusok man ang handugan sa Iglesia, ito ay isang SIGAW NG DAMDAMIN ng buong Iglesia. Ito ay katumbas ng “TAMA NA, HINDI NA KAMI PAPAYAG NA NILULUSTAY NG SANGGUNIAN ANG BANAL NA ABULOY NG IGLESIA. DAPAT NANG MAPUTOL ANG KORUPSIYON AT KATIWALIAN. DAPAT NANG MAIBALIK ANG IGLESIA SA KANIYANG DATING BANAL NA KALAGAYAN.” Ito ay isa ring babala sa mga tiwaling miyembro ng Sanggunian na malapit nang matapos ang kanilang ginagawang kasamaan sa banal na Bayan ng Diyos. Ako ay sumasampalataya na ang paghina ngayon ng abuloy ay pansamantala lamang. Hindi ito nangangahulugan na ayaw na o bumagsak na ang pagkakilala ng mga kapatid sa kahalagahan ng abuloy. Hindi ganoon kadali matibag ang pananampalataya ng mga kapatid. Alam nila na aral ng Diyos ang pag-aabuloy pero alam din nila ang tuntunin sa pag-aabuloy at kung ano-ano ang tamang kaukulan into. The sudden and rapid decline in the offerings of the Church is an expression of a strong sentiment and a silent protest against the corruptions being committed by the Sanggunian members as led by the General Corruptor (I mean Auditor of the Church, the honorable, brother Glicerio B. Santos, Jr. Once they are out of the picture, the sceneries will once again be pleasant and peaceful and everything will be back to normal. Muli, ay pagtatalagahan ng mga kapatid ang paghahandog at pag-aabuloy sapagkat makatitiyak na sila na ang kanilang mga handog ay magagamit na lamang sa kaniyang mga banal na kaukulan. -Antonio Ebangelista “They tried to bury us…they didn’t know we were seeds” Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org Instagram: @antonioebangelista Twitter: @AEbangelista1 Email:  increportsforvem@gmail.com #iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #incmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore #incsilentnomore #incdefenders “Unlike you, I don’t have power or money, but what I do have is a very particular set of skills, skills I have acquired over a very long career.  Skills that make me a nightmare for people like you.  If you tell the truth now, that’ll be the end of it.  I will not look for you, I will not pursue you.  But if you don’t, I will look for you, I will find you, and I will expose you.” – AE Originally published at: https://incsilentnomore.wordpress.com/2015/08/04/paghina-ng-mga-handog-anino-ng-paghina-ng-sanggunian/