INILILIGAW NG SANGGUNIAN ANG KAWAN

Dahil sa hindi na malaman ng Sanggunian kung papaano dedepensahan ang sarili at itutuwid ang kanilang mga maling hakbang ay nagpapalabas sila ng mga maling impormasyon upang guluhin ang tunay na issue at iligaw ang mga kapatid sa tunay na dahilan ng matinding problema ngayon sa Iglesia. Sinasabi nila na ang kapatid na Angel Manalo, ang kaniyang ina, ang kapatid na Tenny, at ang kaniyang kapatid na si kapatid na Lottie Hemedez ay naglulunsad ng “power struggle” upang agawin ang Pamamahala sa Iglesia kay kapatid Eduardo Manalo, at hindi na nila naisip na kung iyon ang layunin ng pamilya ng kapatid na Erdy, dapat sana ay nanawagan na lang sila sa mula’t mula pa na bumaba ang kapatid na Eduardo. Subalit, mula pa nang mamahala ang kapatid na Eduardo ay walang ganoong panawagan ang pamilya ng ka Erdy. Hinahamon ko po ang Sanggunian na maglabas ng katunayan na may ganoong panawagan ang pamilya ng ka Erdy. Sa halip, ang naririnig at napapanood natin tungkol sa kanila ay ang labis na paghahangad na makausap nila ang kapatid na Eduardo (may mga katunayan). Na mahal nila ang kapatid na Eduardo at ang layunin nila bilang pamilya rin ng kapatid na Eduardo at mga nagmamalasakit sa Iglesia ay tulad din ng hinahangad ng maraming mga kapatid, ang maihayag ang maraming katiwalian ng Sanggunian sa pangunguna ni kapatidd na Glicerio B. Santos at ng ilan nilang lihim na mga kasabuwat. Gayunpaman, patuloy silang gumagawa ng kaparaanan upang mahadlangan ang pagtatagpo at pag-uusap ng pamilya. Ano kaya ang tunay na dahilan? Pinalilitaw ng Sanggunian na prinuprotektahan nila ang Tagapamahala subalit ang totoo, ang kanilang prinuprotektahan ay ang sarili nilang interest at ang maaaring mangyari sa kanila kapag lubusan nang nahayag ang kanilang mga korupsiyon at katiwalian at inalis na sila ng Diyos sa tungkulin. Paulit-ulit ko nang inihayag kalakip ang matibay na mga ebidensiya ang mga korupsiyon at katiwaliang kanilang ginagawa, subalit sa halip na ito ay kanilang saguting isa-isa at ipaliwanag ay lalo nila akong tinutugis sukdulang pagbintangan at parusahan ang mga walang kasalanan. Salamat sa Diyos sapagkat hindi Niya ako ipinahihintulot na mahulog sa mga kamay ng Sanggunian. Mahirap talagang ipaliwanag at pasinungalingan ang katotohanan gaano man sila kagaling sa pagsisinungaling at tulungan man sila ng kanilang “ama.” Kaya nga ang lagi nalang nilang sinasabi ay “hindi totoo iyan, nasaan ang ebidensiya?” Dapat sana ay matagal nang tapos ang problema kung napatunayan lang nila na hindi totoo ang “akusasyon” sa kanila. Ganoon kasimple iyon, sapagkat ang mga kapatid ay marunong tumimbang, kumilatis at pumanig sa katotohanan. Pero hindi ito ang nasa isipan nilang lunas. Ang iniisip nilang epektibong solusyon ay ang takutin ng takutin ang mga ministro, manggagawa at mga kapatid at patunayan ito sa pamamagitan ng kabi-kabilang pagtitiwalag. Nalimutan na nila ang babala ng Diyos na sisingilin sa kanilang mga kamay ang kamatayan ng mga lingkod ng Diyos dahil sa kanilang kapabayaan. Baka sabihin nilang hindi nila pinababayaan ang Iglesia, katunayan ay lagi silang nagbibigay ng babala. Anong babala? Na ititiwalag ang kumikwestiyon sa kanilang katiwalian at gawan sila ng masama? Kung tunay na hindi nila pinababayaan ang Iglesia, bakit hindi sila magpaliwanag upang maalis ang mga alinlangan at wala nang mahiwalay pa? Sa layunin din nilang mapagtakpan ang kanilang sapilitang pagkuha kay kapatid na Lowell Menorca, Jr. ay pina-interview nila siya sa GMA subalit halatang may itinatago sila sapagkat  ang abogadong si Alen Boy at ilang nakapaligid sa kanila ay tinitiyak na ang sasabihin lamang ni Lowell ay ang gusto nilang sabihin. Bakas pa rin sa mukha ni kapatid Lowell ang takot at pangamba. Bakit hindi agad nila nailabas si kapatid na Lowell? Paanong napunta si kapatid na Lowell na nakadestino sa Sorsogon sa Dasmariñas, Cavite at bigla na lang nagkakaso ng illegal posession of explosive. Ang interview ay sa loob pa rin ng compound na pag-aari ng Iglesia. Bakit hindi nila magawang ilabas ang buong pamilya at pagsalitain sa harap ng iba’t ibang Media personalities at camera at sa harap nila ay pakawalan at pasubaybayan sila sa Media at bayaang magtungo sa isang safe at neutral na dako. Mas mabuti siguro sa DOJ o kay Seceretary De Lima. Tiyak ko na kung ito ay kanilang gagawin ay matatapos ang lahat ng problema and they will be able to redeem themselves. Di po ba napakasimple lang ng solusyon? Why make it so complicated? Sapagkat ang Sanggunian ay mahilig gumawa ng mga script na hindi kapani-paniwala. Samantala, sinikap ng mga taga-ABS-CBN na mainterview ang kapatid na Minda Menorca, ina ni kapatid na Lowell subalit ano ang naging sagot ng mga mahihigpit na guwardiya na lalong naghahayag na something’s fishy? Hindi raw puwede at ng tanungin kung bakit hindi puwede? Ang sagot ay matunog na matunog na “may bilin sa amin.” Kung nagawa nilang payagan na mag-interview ang GMA kay kapatid na Lowell, bakit hindi nila maipainterview ang kaniyang ina at pamilya? Ngayon ay may kilusan na i-boycott ng mga kapatid ang ABS-CBN. Paano kaya sila magtatagumpay ay napakaraming mga kapatid na sumusubaybay sa “Nathaniel” at “Pangako sa iyo”? Sana ang kilusang ito ay hindi galing sa Sanggunian sapagkat kung ito’y galing sa kanila ay lalong mahahayag ang kanilang pagiging desperado. Na gagawin nila ang lahat para mapagtakpan lang ang kanilang katiwalian at kapalpakan. Bawat hakbang na gawin ng Sanggunian ay lalong nagbabaon sa kanila sa kamalian. Para silang nasa kumunoy na sa bawat pagkilos at galaw nila ay lalo sila lumulubog. Dapat na silang matawagan ng pansin. Inihahayag na sila ng Diyos sa pamamagitan ng sunod-sunod na mga pagkakamali. Nililitis na sila sa harap ng bayan ng Diyos. Alam natin ang kasunod ng paglilitis—ang kaparusahan. AMA, MAAWA KA PO SA IYONG IGLESIA! -Antonio Ebangelista “They tried to bury us…they didn’t know we were seeds.” Official Website: http://www.iglesianicristosilentnomore.org Instagram: @antonioebangelista Twitter: @AEbangelista1 #iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore Originally published at: https://incsilentnomore.wordpress.com/2015/08/03/inililigaw-ng-sanggunian-ang-kawan/